ここから本文です。
結核フィリピン語
Pilipino
Ano ba ang Tuberculosis (TB)?
結核とは
Ang TB ay sakit na karaniwang nagre-resulta sa pamamaga ng baga dahil sa paglanghap ng bakterya ng TB.
Kahit na makalanghap kayo ng bakterya ng TB, mapipigilan ng inyong resistensya ang bakterya ng TB kung kayo ay malusog.
Hindi lahat ng tao ay nagkakasakit nito.
Madaling magkasakit nito kapag bumaba ang resistensya ninyo dahil sa patuloy na sobrang pagtrabaho at hindi tamang pamumuhay.
Kapag nagkasakit kayo nito, magkakaroon kayo ng ubo, plema, lagnat, sakit sa dibdib, pagkapagod ng katawan, at pagpawis sa inyong pagtulog.
Ang unang sintomas ay katulad ng sipon, ngunit hindi ito napapagaling kahit na uminom pa kayo ng gamot.
Kung mahigit sa 2 linggo na kayo ay patuloy na may ganitong mga sintomasg, kaagad na magpatingin sa ospital o clinic.
Ayon sa batas ng Japan, ang mga taong may malalang sintomas ay kinakailangang magpa-admit sa ospital at magpagamot.
Maaaring pabalik-balik lang na magpagamot sa osiptal ang mga taong di naman gaanong malala ang sintomas.
Ang TB ay mapanganib na nakakahawang sakit na kung hindi magagamot ay maaaring humantong sa kamatayan, ngunit kung iinom kayo ng gamot ay mapapagaling.
結核は、結核菌を吸い込むことにより、主に肺に炎症が起こる病気です。
結核菌を吸い込んでも健康であれば、免疫の働きによって結核菌を抑え込んでしまいます。
すべての人が発病するわけではありません。
過労や不規則な生活が続いて免疫力が低下したとき発病しやすくなります。
発病すると、せき、たん、発熱、胸痛、体のだるさ、寝汗が見られます。
初めの症状は、かぜと似ていますが、かぜ薬を飲んでも治りません。
こんな症状が2週間以上も続くときは、早めに医療機関を受診しましょう。
症状の重い人は、日本の法律により、入院して治療しなければなりません。
症状が軽い人は、通院で治療できます。
結核は、治療しなければ死亡することもある怖い感染症ですが、薬を飲めば治る病気です。
Paraan ng Pagkahawa
感染経路
Kapag nagpatuloy ang TB, kakalat sa hangin ang bakterya ng TB sa ating pag-ubo at pagbahin.
Kapag nalanghap ang bakterya ng TB, mahahawaan pati na ang mga tao sa inyong paligid. (Pagkahawa sa hangin)
結核が進行すると、せきや、くしゃみによって、空気中に結核菌が出てくるようになります。
その結核菌を吸い込むことにより、まわりの人に感染が広がります。(空気感染)
Paggamot ng TB
結核の治療
Tutuunan ng pansin ang pag-inom ng gamot sa pagpapagamot ng TB.
Kapag napag-alamang may TB kayo, alinsunod sa tagubilin ng duktor, uminom kayo ng gamot sa loob ng 6 hanggang 12 buwan.
Sa mga malala ang sintomas, magpa-admit ng humigit kumulang 2 buwan sa ospital.
Ang layunin ng pagpapa-admit ay para mabigyan kayo ng naaangkop na paggamot at para hindi mahawaan ang mga tao sa inyong paligid.
Depende sa kundisyon ng inyong katawan, maaaring tumagal ang inyong pagka-admit sa ospital.
Kapag bumaba na ang bilang ng bakterya ng TB sa inyong katawan, maaari na kayong lumabas ng ospital.
Kahit na nakalabas na kayo ng ospital, magpatuloy pa rin kayong uminom ng gamot sa loob ng 4 na buwan.
Kapag uminom kayo ng gamot araw-araw, maaari kayong pumasok sa trabaho at paaralan.
Sa panahong pumapasok kayo sa trabaho at paaralan, sundin lamang ang tagubilin ng duktor.
Sa mga hindi masyadong malala ang sintomas, ang pagpapagamot ay gagawin sa paraan ng pag-inom ng gamot habang pabalik-balik na pumupunta sa ospital.
Aabot ng 6 na buwan ang pag-inom ng gamot.
Habang umiinom kayo ng gamot, walang problema kahit na pumasok kayo sa trabaho at paaralan.
結核と診断されたら、医師の指示どおりに、約6か月から12か月間、薬を飲んでください。
結核の治療は、服薬治療が中心になります。
症状が重い人は、約2カ月間、入院してください。
入院の目的は、適切な治療を受けるためと、まわりの人への感染を防ぐためです。
体の状態によっては、入院期間が長くなることがあります。
体の中の結核菌が少なくなると退院できます。
退院しても、4か月間は薬を飲み続けてください。
毎日服薬していれば、仕事や学校に行くことができます。
仕事や学校に行く時期は医師の指示に従ってください。
症状が軽い人は、通院にて服薬治療を行います。
服薬する期間は6カ月間です。
服薬治療中は、仕事や学校に行っても構いません。
Habang umiinom kayo ng gamot, siguraduhing kumain kayo ng pagkaing may wastong nutrisyon at kumuha ng sapat na tulog.
Kapag bigla na lang tinigil ninyo ang pag-inom ng gamot dahil wala na kayong sintomas, maaaring bumalik ang inyong sakit o di kaya mawalan ng bisa ang gamot.
Siguraduhing susundin ninyo ang mga tagubilin ng duktor.
服薬中は、栄養バランスのよい食事と十分な睡眠を取ってください。
症状が治まったからといって勝手に薬を止めると、再発したり、薬が効かなくなることがあります。
必ず医師の指示に従ってください。
Karaniwang paggamot
一般的な治療
Kung isang gamot lang ang gagamitin sa pagpapagamot ng TB, magkakaroon ng resistensya ang bacteria ng TB laban dito, kaya kinakailangan ng iba’t-ibang klaseng gamot.
Kinakailangan ng hindi bababa sa 6 na buwan para mapatay ng gamot ang bakterya ng TB.
Maaari ring kailanganing uminom ng gamot ng mahigit 6 anim na buwan.
結核の薬を単独で使うと薬に対して耐性ができてしまうので、複数の薬で治療します。
薬で結核菌を殺すには最低6カ月が必要です。6か月以上服薬しなければならないこともあります。
Paggamot ng potensyal na bacteria ng TB
潜在性結核感染症の治療
Kung malalamang may panganib na magsimula ang TB, papainumin sila ng gamot para mapigilan ang pagsimula nito.
Hindi pa naman ito simula ng sakit, kaya’t walang panganib na na makakahawa kayo sa ibang tao.
Kapag basta-basta na lang ninyong hihintuin ang pag-inom ng gamot, magkakaroon ng resistensya ang bacteria, at pag nagsimula na ang sakit, hindi na tatalab ang gamot.
Siguraduhing susundin ninyo ang mga tagubilin ng duktor.
結核発病の危険があると診断されたときは、発病を予防する薬を飲んでもらいます。
発病ではないので、他の人に感染させる心配はありません。
勝手に服薬を中止すると、菌に耐性がついて発病したときに薬が効かなくなります。
必ず医師の指示に従ってください。
Gamit ang mga gamot na tinatawag na Isoniazid (INH) at Rifampicin (RFP), pupuksain ang bakterya ng TB sa loob ng katawan.
Anim na buwan ang pag-inom kung Isoniazid (INH) lamang ang iinumin, at mula tatlo hanggang apat na buwan naman kung sabay iinumin ang Isoniazid (INH) at Rifampicin (RFP). Kung dahil sa side effects ay hindi maaaring gamitin ang Isoniazid (INH), apat na buwan iinom ng Rifampicin (RFP).
May pagkakaiba man sa uri ng gamot at panahon ng pag-inom nito, magkapareho lamang ang epekto nito para sa pag-iwas.
Isang beses sa isang araw ang pag-inom ng gamot, at importanteng sundin ang tamang paraan ng pag-inom nito.
イソニアジド(INH)やリファンピシン(RFP)という薬を使って、体の中の結核菌を退治します。
服薬期間は、イソニアジド(INH)だけ飲む場合は、6カ月間、イソニアジド(INH)とリファンピシン(RFP)を飲む場合は、3カ月間から4カ月間、副作用などでイソニアジド(INH)が使えないときは、リファンピシン(RFP)を4カ月間服薬します。
薬や服薬期間に違いがありますが、予防効果は同じです。
薬は1日1回、毎日規則正しく飲み続けることが大切です。
Side effects ng gamot sa TB
結核薬の副作用
Kung may maramdaman kayong parang side effects, sumangguni sa duktor.
副作用と思われる症状がでたら、医師に相談してください。
Pangalan ng gamot |
Mga pangunahing side effects |
---|---|
薬名 |
主な副作用 |
I N H | Sakit sa atay, pamamanhid ng dulo ng daliri, pagkaroon ng pantal, pangangati, pagkawala ng ganang kumain |
指先のしびれ、かゆみ、食欲不振、肝障害、発疹 | |
R F P | Sakit sa atay, Sakit sa tiyan, pagkaroon ng pantal, pangangati |
肝障害、胃腸障害、発疹、かゆみ | |
Pupula ang inyong ihi ngunit hindi kailangang mag-alala | |
尿が赤くなりますが心配ありません。 | |
E B | Paghina ng paningin, pagkitid ng paningin (tunnel vision), pamamanhid sa hita at paa |
視力の低下、視野狭窄、下肢のしびれ | |
P Z A | Sakit sa atay, Sakit sa kasu-kasuan (joint pains), mataas na uric acid (Hyperuricemia) |
肝障害、関節痛、高尿酸血症 | |
S M | Pagkahilo, pagdinig ng tunog (ringing sound) sa tainga (Tinnitus), pagkabingi, sakit sa bato |
めまい、耳鳴り、難聴、腎障害 | |
L V F X | Nahihilo, Pagduduwal (nasusuka), hindi makatulog (Insomnia) , pagkaroon ng pantal |
めまい、吐き気、不眠、発疹 |
Bawal uminom ng alak habang umiinom ng gamot sa TB.
Kapag uminom ng alak, magiging mabigat ang pasanin ng atay dahil nagsabay ang gamot at alak.
Habang umiinom kayo ng gamot, siguraduhing kumain kayo ng pagkaing may wastong nutrisyon at kumuha ng sapat na tulog.
結核の薬を服用している間は、お酒は禁止です。
お酒を飲むと、薬とお酒のため肝臓に大きな負担がかかります。
服薬中は、栄養バランスのよい食事と十分な睡眠を取ってください。
Sistema kung saan susuportahan ng pampublikong pondo (public funds) ang gastusin para sa pagpapagamot ng TB
結核医療費の公費負担制度
Ang gastusin para sa pagpapagamot ng TB ay susuportahan ng health insurance at ng bansa ng Japan (pampublikong pondo).
Ang mga ginastos ninyo para sa pagpapagamot at pagkain habang naka-admit kayo sa ospital ay babayaran ng health insurance at bansa ng Japan.
Kung kayo ay pabalik-balik sa ospital, suportado ang 95% ng bayarin sa inyong pagpapagamot.
Maaari ring gamitin ng mga dayuhan at mga taong walang health insurance card ang ganitong serbisyo.
結核の治療にかかる費用は、健康保険と日本の国(公費)が負担します。
入院の場合は、入院から退院までの治療にかかる費用と入院中の食費も、健康保険と日本の国が支払います。
通院の場合は、治療にかかる費用の95%を支払います。
外国人や健康保険証を持っていない人も利用できます。
ただし、結核と診断されるまでにかかった費用や、他の病気の治療費はあなたが負担してください。
Pag-apply para sa sistema ng pampublikong pondo
公費負担制度の手続き
Para magamit ang sistema ng pampublikong pondo, mag-apply lamang sa health center sa lugar kung saan kayo nakatira.
Kapag magpapa-admit
Dalhin sa health center ang sumusunod na (1), (2), (3), (4), (5) o di kaya (6).
Magagamit ang pampublikong pondo simula sa araw na kayo ay ma-aadmit.
公費負担制度を利用するには、あなたが住んでいる所の保健所で手続きをしてください。
入院の場合
次の(1)、(2)、(3)、(4)、(5)または(6)を、保健所に持ってきてください。
入院した日から公費負担を適用します。
Mga bagay na dadalhin sa health center 保健所に持ってくるもの |
Lugar kung saan matatanggap もらう所 |
||
---|---|---|---|
(1) |
Application para sa pampublikng pondo para sa pagpapagamot ng TB (para sa mga magpapa-admit sa ospital) 結核医療費公費負担申請書(入院用) |
Ospital 病院 |
|
(2) |
Larawan ng X-ray エックス線写真 |
Ospital 病院 |
|
(3) |
Health insurance card 健康保険証 |
Hindi na kinakailangan para sa mga walang health insurance card. 健康保険証を持っていない方は不要です。 |
|
(4) |
Juminhyo (certificate of residence) ng lahat ng miyembro ng sambahayan 世帯全員の住民票 *Kinakailangang nakasulat ang relasyon ng mga miyembro |
Shiyakusho (City Hall) 市役所 |
Kailangang bayaran ang hakkou tesuuryou (issuance fee). 発行手数料がかかります。 |
(5) |
Shiminzei/fuminzei kazei shoumeisho (tax payment certificate) ng lahat ng miyembro ng sambahayan 世帯全員の「市・府民税課税証明書」 *Hindi na kinakailangan kapag ang edad ay 16 pababa *Kapag ang pagka-admit sa ospital ay mula April 1 hanggang June 30, kinakailangan ang shiminzei/fuminzei kazei shoumeisho para sa nakaraang fiscal year *Kapag ang pagka-admit sa ospital ay mula July 1 hanggang March 31, kinakailangan ang shiminzei/fuminzei kazei shoumeisho para sa kasalukuyang fiscal year |
Shiyakusho (City Hall) 市役所 |
Kailangang bayaran ang hakkou tesuuryou . 発行手数料がかかります。 Hindi na kinakailangan ang shiminzei/fuminzei kazei shoumeisho para sa mga tumatanggap ng seikatsu hogo (welfare support). 生活保護を受けている方は、市・府民税課税証明書は不要です。 |
(6) |
Certificate na tumatanggap ng seikatsu hogo 生活保護受給証明書 |
Welfare Office 福祉事務所 |
Kailangang dalhin ng mga tumatanggap ng seikatsu hogo ang kanilang certificate na tumatanggap sila nito. 生活保護を受けている方は、生活保護受給証明書を持ってきてください。 |
Kapag pabalik-balik na magpapagamot sa ospital
通院の場合
Dalhin sa health center ang sumusunod na (1), (2), (3).
Magagamit ang pampublikong pondo simula sa araw na matanggap ang inyong application sa health center.
Mag- apply bago magsimula ang inyong pagpapagamot.
次の(1)、(2)、(3)を、保健所に持ってきてください。
保健所が申請書を受理した日から公費負担を適用します。
治療を始める前に手続きをしてください。
Mga bagay na dadalhin sa health center 保健所に持ってくるもの |
Lugar kung saan matatanggap もらう所 |
||
---|---|---|---|
(1) |
Application para sa pampublikong pondo para sa pagpapagamot ng TB (para sa mga pabalik-balik na pupunta sa ospital) 結核医療費公費負担申請書(通院用) |
Ospital 病院 |
|
(2) |
Larawan ng X-ray エックス線写真 |
Ospital 病院 |
|
(3) |
Health insurance card 健康保険証 |
Hindi na kinakailangan para sa mga walang health insurance card. 健康保険証を持っていない方は不要です。 |
Follow-up pagkatapos magpagamot
治療後の経過観察
Kapag uminom ng gamot at namatay na ang bakterya ng TB sa loob ng katawan, matatapos na ang pagpapagamot.
Subalit dahil may mga bihirang pagkakataon na bumabalik ang TB, regyular na magpakuha ng X-ray at magpa-eksamin ng inyong plema sa loob ng 2 taon pagkatapos magpagamot.
Maaaring magpa-eksamin sa health center. Hindi na kailangang magbayad.
Kapag papalapit na ang panahon ng pagpapa-eksamin, may ipapadala sa inyong paunawa kung kaya’t pumunta kayo sa health center.
薬を飲んで、体の中の結核菌が死んでしまうと治療は終わりです。
しかし、まれに再発することがありますので、治療が終わってから2年間は、定期的にエックス線検査や、たんの検査を受けてください。
保健所で検査を受けることができます。費用はかかりません。
検査の時期がきたらお知らせしますので、保健所に来てください。